Posts

Pag-asa sa Gitna ng Pandemya

Image
      Ang pag-asa ay makakamit kung ikaw ay may malakas na pananampalataya. Ang pagsubok ay kalapit ng buhay. Sabi nga sa kasabihang " Habang may buhay may pag-asa". kaya dapat luamaban habang ikaw ay nabubuhay. Sa mga nakaraang buwan tayo ay nalugmok at natakot sa banta ng COVID 19. May mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown, marami ding mga tindahan ang nagsara dahil sa walanag kita, natigil ang pag-aaral ng mga bata, maraming nahawa, at maraming nawalan ng mahal sa buhay. Lahat tayu ay parang isang preso na hindi makalabas ng bahay.              Sa pagharap natin sa banta ng COVID 19 ang mga doctor, nurses, sundalo, pulis, media anchor at iba pa, ang naging kalasag natin laban dito. Marami ang nagbuwis ng kanilang buhay upang tayu ay mailigtas at mabigyan ng proteksyon. Kung kaya't kailangan nating pahalagahan ang kanilang mga sakripisyong nagawa, dapat tayu ay magtulungan upang malabanan natin at madaig ang hinaharap natin ngayun. Lahat ng ito ay ating malalampasan