Pag-asa sa Gitna ng Pandemya
Ang pag-asa ay makakamit kung ikaw ay may malakas na pananampalataya. Ang pagsubok ay kalapit ng buhay. Sabi nga sa kasabihang " Habang may buhay may pag-asa". kaya dapat luamaban habang ikaw ay nabubuhay. Sa mga nakaraang buwan tayo ay nalugmok at natakot sa banta ng COVID 19. May mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown, marami ding mga tindahan ang nagsara dahil sa walanag kita, natigil ang pag-aaral ng mga bata, maraming nahawa, at maraming nawalan ng mahal sa buhay. Lahat tayu ay parang isang preso na hindi makalabas ng bahay.
Sa pagharap natin sa banta ng COVID 19 ang mga doctor, nurses, sundalo, pulis, media anchor at iba pa, ang naging kalasag natin laban dito. Marami ang nagbuwis ng kanilang buhay upang tayu ay mailigtas at mabigyan ng proteksyon. Kung kaya't kailangan nating pahalagahan ang kanilang mga sakripisyong nagawa, dapat tayu ay magtulungan upang malabanan natin at madaig ang hinaharap natin ngayun. Lahat ng ito ay ating malalampasan kung ito ay ating pag tutulungan. Lahat tayu ay may kanya-kanyang problemang hinaharap, nasa personal man, sa kalusugan, sa kita. Walang taong walang problema sa kinakaharap natin na krisis ngyaun, ang kailangan lang nating gawin ay ang lakasan ang ating mga loob, pagdarasal at paniniwala na lahat ng ito ay ating malalampasan. Ang Diyos ay hindi kailanman matutulog, Siya ay mananatiling nandyan at bukas ang kamay upang ikaw ay tulungan. Siya ay ang iyong takbuhan at ang iyong sandalan sa gitna ng iyong dagat ng problema, hindi ka niya iiwan at pababayaan. Ang kailangan mo lang gawin ay tawagin Siya, manampalataya ka at patatagin ang iyong paniniwala sa kanya upang ang iyong loob ay lumakas. Pagbangon sa gitna ng ating pagkalugmok ang ating kailangang gawin bilang unang hakbang papunta sa bagong buhay na ating haharapin na may malaking aral sa kanya-kanya nating mga buhay na habang buhay nating dadalhin. Ang pagbabagoay isang mahusay na paraan para sa mas malakas na bersyon ng iiyong sarili.
Natural lang ang maging mahina, pero ang pagsuko ay hindi katanggap-tangap. Kahit tayu ay ikaw ay nahihirapan, kailangan mong bumangon para sa iyong mga minamahal sa buhay, para sa iyong sarili at para sa iyong hinaharap. Pagbangon sa unos ang iyong gawin!
Comments
Post a Comment